NAGKAROON ng tensiyon nang arestuhin ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) may ari ng isang hinihinalang drug den, walong shabu users at ipasara ang umano’y drug den sa inilunsad na buy-bust operation sa Parang, Maguinadanao, noong February 05,2013.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. nasugatan sa kanyang paa si Hamsali Saavedra, alias Ali, 24 anyos, at residente sa Pocoma, Poblacion 2, Parang, Maguindanao matapos siyang barilin sa paa ng isang operatiba nang tangkain nitong manlaban.
Agad isinugod at nilapatan ng paunang lunas sa Cotabato City Medical Regional Hospital si Saavedra.
Nangyari ang insidente matapos magkasundo sina Saavedra at isang PDEA agent hinggil sa bentahan ng shabu pero nakaramdam dito ng panganib ang una nang tangkain siyang arestuhin ng agent hanggang sa barilin ito sa paa ng tangkain bumunot ng baril.
Nakumpiska sa suspek ang 2 piraso ng canister na naglalaman ng 30 sachets ng shabu na may timbang na 3 gramo; P560.00 pesos cash; 95 piraso ng aluminum strips; 9 na lighters; 40 nakatuping aluminum foil strips; 17 karayom ; 118 plastic sachets na may residue ; isang kerosene lamp; 86 improvised aluminum tooters; isang kalibre .45 pistola; isang ten-rounder na .45 caliber magazine na may apat na rounds na bala ng caliber .45 ammunition; isang camouflage holster; isang blue leatherette pouch; at unit ng Nokia mobile phone.
Kinilala ang walong drug users na sina Mudin Ayunan, 28; Monik Cabasagan, 25, Riduan Kumakasar, 27; Kamarudin Paro, 28; Mohammad Cali, 31; Titing Batua, 31; Jalal Pingdinatar, 27; Primitivo Cada, 24; na naaktuhan sa loob ng drug den.
Si Saavedra ay kinasuhan ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 6 (Maintenance of a Drug Den), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II, of RA 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at RA 8294 (Illegal and Unlawful Possession of Firearms). Habang kasong paglabag naman sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ang ikinaso sa walong nahuling users.