HIMAS-REHAS ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng balisong at murahin ang mga nanitang pulis sa Valenzuela City, Huwebes ng madaling araw.
Nahaharap sa kasong illegal possession of deadly weapon at paglabag sa omnibus election code si Nikel Osumo, 18 ng F. Bautista St., Ugong ng lungsod.
Unjust vexation naman ang kaso ni Chris Abad, 22 ng Home Centrum, Mapulang Lupa ng lungsod.
Batay sa ulat, dakong alas-3:20 ng madaling araw, angkas sa bisekleta ni Abad si Osumo at pagsapit sa Sto. Rosario st., Mapulang Lupa ay napansin ng mga rumurondang pulis na naglalaro ng balisong si Osumo na naging dahilan upang parahin.
Pinagmumura ni Abad ang mga pulis at nagsabing “bakit ninyo kami huhulihin, tignan natin kung sino ang matatapang”, na naging dahilan upang isama ang una sa presinto at sampahan ng nasabing kaso.