Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

DPWH engineer tiklo sa hit-and-run sa Ilocos

$
0
0

NASILO sa police dragnet operation ang isang inhinyero ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos takbuhan ang lalaking kanyang nasagasaan sa Ilocos Sur.

Nakakulong na at sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Engr. Sherell Pe Benito, DPWH engineer.

Dead on arrival naman sa ospital sanhi ng kapansanan sa ulo at katawan ang biktimang si Michael Duldulao, binata, walang permanenteng tirahan.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-12:45 ng madaling-araw sa national highway ng Barangay Barbarit, Masingal, Ilocos Sur.

Bago ito, tumatawid sa nasabing highway ang biktima nang masagasaan ng sasakyan ng suspek.

Imbes itakbo sa pagamutan, tinakbuhan ng suspek ang kanyang nabiktima.

Pero dahil naplakahan, inilatag ang dragnet operation ng Magsingal St., Sto Domingo PNP laban sa suspek at sa paggagalugad ay nadakip ito sa Sto. Domingo, Ilocos Sur dakong 8:35 kahapon ng umaga, Marso 14.

The post DPWH engineer tiklo sa hit-and-run sa Ilocos appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>