NAGSASAGAWA na ng malalim na imbestigasyon ang mga awtoridad kaugnay sa pagkakapaslang sa kapatid ng isang arsobispo.
Namatay pagdating sa Western Visayas Medical Center sa Iloilo City ang biktima na si Romeo Capalla, dating political detainee na nakababatang kapatid ni Davao Archbishop Emeritus Fernando Capalla.
Ayon sa PNP, ang insidente ay naganap pasado alas-6:00 kagabi sa Oton, Iloilo sa harap ng Oton public market.
Ayon kay S/Insp. Jigger Gimeno ng Oton PNP, dalawa ang sinasabing bumaril sa biktima at tumakas matapos ang insidente.
Inaalam na ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang posibleng motibo ng pamamaslang sa political detainee.
The post Utol ng arsobispo sa Iloilo tigok sa boga appeared first on Remate.