Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pagkamatay ng maritime police trainee, ipinabubusisi

$
0
0

IPINABUBUSISI ng pamilya ng isang maritime police trainee sa awtoridad ang pagkamatay ng kanilang anak dahil hindi sila naniniwalang nag-suicide ito sa loob ng Camp Vicente Lim sa Canlubang, Laguna noong Pebrero 27.

Ito ang panawagan ni Jovelyn Buendia, nanay ng biktimang si Joel Buendia, 23, at ng mga kamag-anak matapos isagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang awtopsya sa bangkay ng biktima nitong nakaraang Miyerkules.

Inilatag ang NBI autopsy sa kahilingan ng pamilya Buendia dahil may suspetsa sila na ang pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay ay mas higit pa sa suicide.

Ayon naman sa camp officials na ang biktima na mula sa Siay town, Zamboanga Sibugay province ay lumaklak ng toxic substance sa loob ng kanyang kuwarto kaya namatay.

Pero sinabi ni Jovelyn na may dugo sa loob ng kuwarto na inookupahan ng kanyang anak sa nasabing training camp. May mga dugo aniyang nakita sa furniture at sa mga pader at kahit sa banyo.

Hindi rin pinaniniwalaang ng naturang ginang ang pahayag ng awtoridad na mag-isa ang kanyang anak nang mamatay habang ang ibang kadete ay nasa labas at sumasailalim sa training.

Bago natagpuan ang bangkay, sinabi ni  Jovelyn  na ang kanyang anak ay naratay sa training camp’s infirmary sa hindi malamang sakit.

Sinabi naman ni Leny Buendia, tiyahin ng police trainee, na pumirma para maikasang muli ang awtopsya, na ang mukha ng kanyang pamangkin ay may dugo partikular sa paligid ng kanyang bibig.

Ayon naman sa medico legal official na ang nasabing dugo na nakita sa bibig ng biktima ay sanhi ng matinding pagsusuka nang inumin ang nasabing toxic substance.

Sinabi rin ng medico legal official na ang itaas na bahagi ng esophagus at bibig ng biktima ay nasunog ng malakas na presensya ng  substance na ininom ng biktima pero hindi naman sinabi sa kanila kung anong klaseng kemikal ito.

Ibinuko naman ni Leny ang inirereklamo ng kanyang pamangkin na kailangang magbayad para sa passes kapag sila ay lumalabas ng kampo.

The post Pagkamatay ng maritime police trainee, ipinabubusisi appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>