AABOT sa 51 pamilya ang nawalan ng bahay makaraang tupukin ng apoy ang kanilang mga tirahan sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kaninang umaga, Marso 16, 2014.
Ayon kay QC District Fire Marshall F/Senior Supt. Jesus Fernandez, nagsimula ang sunog sa 206 San Simon St., Brgy. Holy Spirit, alas-5:10 ng umaga.
Isa ang nasugatan sa sunog na nakilalang si Domingo dela Cruz makaraang mahiwa ng isang yero.
Sinabi ni Fernandez na nagsimula ang sunog sa inuupahang bahay ng isang Totoy Tangan sa ikalawang palapag ng naturang lugar na pag-aari ng isang Sandra Adre.
Dahil gawa sa light materials ang bahay mabilis na kumalat ang apoy na tumupok sa 17 kabahayan sa Brgy. Holy Spirit.
Umabot ang sunog sa 4th alarm at ganap na alas-6:25 ng umaga nang ma-fireout ang sunog.
Inaalam na ng arson investigator ang sanhi ng sunog at ang pinsala nito.
The post 51 pamilya homeless sa sunog sa QC appeared first on Remate.