NAMATAY ang tatlong miyembro ng pamilya nang pinaulanan ng mga bala ng baril habang nasa loob ng kanilang bahay sa Barangay Mabuhay, Baungon, Bukidnon Sabado ng gabi.
Namatay doon din ang mga biktimang na sina Juan, Rosita at Julius Magsalay na residente sa bayan.
Ayon sa kapatid ni Juan na si Isidro Magsalay, nasa gitna ng kasiyahan ang mag-anak nang dumating ang isang grupo ng armadong kalalakihan at pinaulanan ng mga bala mula sa hindi pa matukoy na uri ng mga baril.
Tadtad ng tama ng bala ang tatlong biktima pero himalang hindi nagkaroon ng malubhang tama ang limang taong gulang na si Ejay Magsalay at patuloy na ginagamot sa ospital sa Cagayan de Oro.
Hindi pa matukoy ng pulisya kung sino at kung ano ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa mga biktima.
Patuloy ang pursuit operation ng mga awtoridad laban sa mga suspek sa lugar.
The post 3 miyembro ng pamilya tepok sa ambush appeared first on Remate.