SUMALAMPAK sa traysikel ang isang nurse habang sugatan naman ang drayber nito nang pasadahan ng kilabot na motorcycle in tandem sa Pangasinan kaninang umaga, Marso 17.
Dead-on-arrival sa pagamutan sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Marco Mondala, 25, isang nurse at residente ng Barangay Poblacion.
Sugatan naman sa binti pero nagpapagaling na lamang sa ospital ang tricycle driver na si Marcos Esparto, 43, ng Zone 1, Barangay Caboluan, Urdaneta City.
Naganap ang insidente alas-6:35 ng umaga sa Dilan Paurido Road sa Urdaneta City.
Bago ito, lulan ang biktima sa traysikel ni Esparto at binabagtas ang nasabing kalsada nang pagbabarilin ng mga suspek na lulan din sa dalawang motorsiklo.
Hindi naman matiyak pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay sa biktima dahil hindi kinuha ng mga suspek ang pera at cellphone nito.
The post Traysikel niratrat, nurse, tigbak appeared first on Remate.