Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Isa patay sa pananaksak sa New Bilibid Prison

$
0
0

ISA ang patay habang isa pa ang sugatan sa magkasunod na insidente ng pananaksak sa New Bilibid Prison (NBP) sa Mandaluyong, Lunes ng umaga.

Ayon kay NBP Supt. Fajardo Lansangan, alas-8:15 ng umaga nang maganap ang unang insidente sa basketball court.

Naglalaro ang grupo ng Batang City Jail nang lumapit ang isang miyembro ng Sputnik Gang na si Enrico De Asis, na may kasong homicide at bigla na lamang sinaksak ang City Jail member na si Nolfi Ladiao.

Itinakbo at nagpapagaling na sa ospital ng NBP si Ladiao na may kaso namang attempted rape at homicide.

Samantala, alas-8:45 ng umaga naman nang saksakin ang isang miyembro ng Sputnik Gang na si George Almo, 38-anyos, may kasong murder.

Hindi pa kilala kung sino ang sumaksak kay Almo, na idineklara namang dead-on-arrval sa NBP Hospital.

Dadag ni Lansangan, nangyari ang insidente sa maximum security compound nang patungo ang biktima sa chapel ng NBP.

Nagpatupad na ngayon ng “padlock policy” ang NBP kung saan hindi pinapayagang makalabas ng mga brigada ang mga preso habang patuloy ang imbestigasyon sa dalawang insidente.

The post Isa patay sa pananaksak sa New Bilibid Prison appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


EASY COME, EASY GO


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


5 Tagalog Relationship Rules


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Papa Jack Tagalog Love Quotes and Advice for you


Pokemon para colorear



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>