TODAS ang isang binatilyo nang barilin sa loob ng computer shop ng hindi nakilalang suspek kaninang madaling-araw, Marso 17 sa Malabon City.
Dead on the spot si Ramon Tanjongco, 13, out of school youth ng C. Perez St., Brgy. Tonsuya, nasabing lungsod sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre .45 sa ulo.
Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin bitbit ang ginamit na baril.
Sa ulat, alas-4:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng Santina Computer shop sa #35 Roque St., nasabing barangay.
Nanonood ang biktima sa mga naglalaro sa computer shop nang pumasok ang suspek na naka-bonnet at walang sabi-sabing pinutukan ang biktima sa ulo.
Nauna rito, alas-2:20 ng madaling-araw ay nakasagupa ng biktima at mga katropa nito ang kalabang grupo sa isang riot sa kahabaan ng Kadima, Letre na nauwi sa matinding habulan.
Hinala ng pulisya na nasundan siya ng isa sa mga kalabang gang at doon binaril sa computer shop.
The post 13-anyos inutas sa computer shop sa Malabon appeared first on Remate.