Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Matalak na tatay, binoga ng anak

$
0
0

KRITIKAL ang isang ama nang barilin ng sariling anak makaraang mauwi sa sermon ang inuman nilang dalawa, Linggo ng gabi sa Malabon City.

Nakaratay at ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Florencio Camino, 64, ng Block 4, Damata, Bgy. Tonsuya sanhi ng isang tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa kaliwang balikat.

Agad namang inatasan ni Malabon police Chief, Sr. Supt. Severino Abad ang mga tauhan na hanapin ang suspek na si Ramel Camino, 44, anak ng una na tumakas matapos ang insidente.

Batay sa ulat, alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga ito sa nasabing barangay.

Nag-iinuman ang mag-ama hanggang sa magsermon na ang matanda dahil sa pagiging pabaya ng anak sa kanyang hanapbuhay na pagtitinda ng isda kaya napabayaan ang pamilya nito.

Palibhasa lasing ay nagalit ang suspek at pabalang na pinagsasagot ang matandang ama hanggang sa magbunot ito ng baril at malapitang pinutukan ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek habang ang biktima ay isinugod sa pagamutan.

The post Matalak na tatay, binoga ng anak appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Girasoles para colorear


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Pokemon para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


The business quotes | Inspirational and Motivational Quotes for you


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


EASY COME, EASY GO


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Sapos para colorear


Smile Quotes


Patama lines and Tagalog Quotes Pinoy Sayings


Tropa Quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE