Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pamilya minasaker sa Bukidnon

$
0
0

PERSONAL grudge ang pangunahing motibo ng mga suspek kung bakit kanilang minasaker ang isang pamilya sa Barangay Mabuhay, Baungon, Bukidnon kung saan tatlo ang patay.

Kinilala ang biktimang mag-asawa na sina Juan at Rosita Magsalay at ang anak na si Julius Magsalay.

Sugatan din ang limang taong gulang na anak na si Alvin Julios Magsalay na patuloy na ginagamot sa Northern Mindanao Medical Center.

Inihayag ni S/Insp. Christian Relevo, hepe ng Baungon Police Station, nasa loob ng isang videokehan ang mga biktima nang pinasok ng mga suspek na naka-bonnet at pinaulanan ng mga bala.

Nakuha mula sa crime scene ang siyam na basyo ng 9mm. pistols at apat na fired cartridge mula sa .45 pistol.

Tinitingnan ding anggulo sa pagpatay ay gawa ng mga bandido.

Napag-alaman na ang mga biktima ay magsasaka lamang sa lugar.

The post Pamilya minasaker sa Bukidnon appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129