Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Oil firms nagtapyas-presyo sa gasolina, diesel

$
0
0

MALAKI ang posibilidad na humataw pa sa mga susunod na araw ang ipinatupad na rollback ng mga kompanya ng langis sa presyohan ng kanilang mga produkto.

Nabatid na simula kaninang alas-12:01 ng madaling-araw, nagpatupad ng panibagong bawas sa presyo ang mga oil firm na umabot sa 65 sentimo kada litro sa diesel habang 70 sentimo kada litro naman sa kerosene o gaas.

Nagpatupad din ng rollback ang naturang mga kompanya ng 30 sentimo sa kada litro ng gasolina. Maalala na noong nakaraang linggo lamang, nagpatupad din ng rollback sa petroleum products ang mga ito.

Sinasabing ang bagong paggalaw sa presyohan ng produktong petrolyo sa bansa ay bunsod na rin ng price adjustment sa world market.

Batay sa datos mula sa Department of Energy, naglalaro sa P45.00 per liter ang average price ng diesel samantalang nasa P53.60 per liter naman ang presyuhan ng gasolina.

The post Oil firms nagtapyas-presyo sa gasolina, diesel appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>