ARESTADO ang number 9 most wanted person sa San Andres, Quezon.
Kinilala ang suspek na si Dominador Cabahug, alyas Doming, 64, isang magsasaka.
Inaresto ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng 74th IB Philippine Army at PNP-San Andres sa bisa ng isang warrant of arrest.
Si Cabahug ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 na may inirerekomendang piyansa na P120,000 .
The post No. 9 most wanted person sa Quezon, huli appeared first on Remate.