SA loob lamang ng 5-araw, isa na namang salvage victim ang muling ibinalandra kaninang madaling-araw, Marso 18, sa Quezon City, na binansagang ‘salvage capital city’ ng bansa.
Inilarawan ang hindi nakikilalang lalaki na tinatayang 35-38-anyos, tadtad ng tattoo ang katawan at nakasuot ng asul na t-shirt at checkered short pants.
Nilagyan din ng packaging tape ang mga kamay at paa nito at maging ang buong ulo.
Nakitaan din ito ng mga maliliit na saksak sa dibdib na pinaniniwalaang mula sa saksak ng icepick.
Ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO), natuklasan ang bangkay ng biktima alas-5 ng umaga sa isang bangketa ng White St., sa Barangay Tandang Sora, QC.
Nito lamang nakaraang Huwebes at Biyernes ng madaling-araw, magkasunod na ikinalat ang dalawang salvage victim sa tabi ng Metropolitan Sewerage System (MWSS) sa Barangay Old Balara at sa tabi ng Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center (NAPWC) sa westbound ng Quezon Avenue.
Ang pamamaraan ng pagpatay sa dalawa ay kahalintulad din ng pagpaslang sa huling biktima ng summary execution.
Dahil naman sa serye ng napupulot na mga salvage victim, hindi na maitatanggi pa ni QC Mayor Herbert Bautista na ang lungsod ay tinawag nang salvage capital city of the Philippines.
The post Pangatlong salvage victim, ikinalat pa sa QC appeared first on Remate.