Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Gapos gang nakabulsa ng P1M sa QC heist

$
0
0

NAKULIMBAT sa isang pamilya ang mahigit P1 milyong halaga ng pera at alahas nang umatake sa kanilang bahay ang mga miyembro ng Gapos Gang sa Quezon City kaninang umaga, Marso 18.

Sinabi ng Quezon City Police District (QCPD) station 11, na walong minuto lamang ang kinailangan ng may pitong suspek para makapasok ng bahay, igapos ng nylon cord ang may sampung miyembro ng pamilya bago i-ransack ang pera, alahas at iba pang mamahaling gamit sa kuwarto ng mga biktima.

Hinahanting na ngayon ng operatiba ng Kamuning police station ang mga suspek na tumakas sakay sa dalawang motorsiklo at isang kotse.

Sa ulat, naganap ang insidente alas-7 ng umaga sa mismong bahay ng mga biktima sa Brgy. Immaculate Concepcion, Cubao, QC.

Nabatid na bago ito ay lumabas sa kanilang bahay ang 15-anyos na miyembro ng pamilya na hindi pinangalanan para pumasok sa eskuwelahan.

Dahil naiwan ng dalagitang bukas ang kanilang gate, sinamantala ito ng dalawa sa mga supek at pumasok agad sa bahay ng kanilang bibiktimahin.

Dalawa pang suspek ang sumunod at may apat pang dumating na nagtulong-tulong para maigapos ang mga biktima bago hinalughog ang kabahayan.

Nang makuha na ang pakay, tumakas ang mga suspek habang tumawag naman ng tulong sa awtoridad ang isa sa mga biktima na nakawala sa pagkakagapos.

The post Gapos gang nakabulsa ng P1M sa QC heist appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Papa Jack Tagalog Love Quotes and Advice for you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


EASY COME, EASY GO


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>