Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bodega naabo sa sunog sa QC

$
0
0

AABOT sa milyong halaga ang naabo makaraang lamunin ng apoy ang isang bodega ng junkshop sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kaninang umaga, Marso 18, 2014.

Nabatid na tinupok ng apoy ang bodega ng junkshop sa Purok 2, Payatas Road, Brgy. Commonwealth, QC, alas-10:37 ng umaga.

Sinabi ni SFO3 Albert Flores na umabot sa fourth alarm ang naturang sunog at ganap na na-fireout alas-12:23 ng tanghali.

Inaalam pa ng arson investigators ang halaga ng pinsala sa naturang sunog at wala namang iniulat na nasugatan sa insidente.

The post Bodega naabo sa sunog sa QC appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>