Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 opisyal sa barangay sa Albay binoga sa sabungan, tigok

$
0
0

PATAY ang dalawang opisyal ng barangay nang pagbabarilin sa loob ng sabungan sa Brgy. Quibongbogan, Ginobatan, Albay.

Agad na namatay si Salvador Ingguwa, Brgy. Kagawad ng Bariw, Camalig, Albay dahil sa pitong tama ng calibre .45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nadamay ang kinilalang si Bornok Concovar, dating Brgy. Kagawad ng Quitago, Guinobatan, Albay.

Binawian nang buhay si Concovar habang ginagamot sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH).

Samantala, agad namang dumepensa ang Barangay Chairman ng lugar sa nangyaring insidente sa sabungan na may permit galing pa mismo kay Mayor Gemma Onjuco, dahil parte raw ito ng selebrasyon ng kapistahan.

Sa ngayon, hindi pa rin malinaw sa mga kapulisan kung sino at ano ang motibo sa nangyaring insidente.

The post 2 opisyal sa barangay sa Albay binoga sa sabungan, tigok appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>