IMBES mga banderitas, bangkay ng isang lalaki ang natagpuang nakasabit sa puno sa isang center island sa Quezon City kaninang madaling-araw, Marso 19.
Ang biktima ay tinatayang 35-38 anyos, balingkinitan ang katawan, nakasuot ng kulay asul na t-shirt at nakayapak lang.
Bukod sa marka ng pagkakasakal sa leeg, wala ng ibang tinamong pinsala ang biktima na kung ‘di nagpakamatay ay sadyang binigti.
Sa ulat, napansin ng mga residente ang bangkay dakong 5:45 ng umaga sa isang puno na nasa center island ng Del Monte at Araneta Avenue, Q.C.
Kinordon na ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang lugar dahil pinagkakaguluhan na ito ng mga residente at mga motorista.
Hinihintay pa ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang resulta ng awtopsiya sa bangkay ng biktima para malaman kung nagpatiwakal ba ito o sadyang pinatay.
The post Kelot, nagbigti sa puno appeared first on Remate.