DAHIL sa pagkahulog sa balkon ng kanilang sanggol, isang Swiss national ang binugbog at hinabol pa ng saksak ng kanyang Pinay na misis sa Boracay kaninang umaga, Marso 19.
Dumulog sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang dayuhang si Michael Buchi, 57-anyos, upang ireklamo ang kanyang live-in partner na si Kristina Cañares, 34-anyos, kapwa residente ng Barangay Balabag, Boracay.
Naganap ang insidente dakong 8:25 ng umaga sa may balkon ng bahay ng magka-live-in.
Bago ito, pinaalagaan ni Cañarez kay Buchi ang kanilang 1-anyos na anak nang mabitiwan ito ng huli at nalaglag mula sa kanilang balkon.
Sa galit, pinagsusuntok ni Cañares ang dayuhang live-in partner at hinabol ng saksak.
Nabatid na ilang beses nang dumulog sa pulisya ang biktima dahil sa pananakit ng kanyang Pinay na misis.
Ang pinakahuling insidente ay noong Pebrero 12, 2014 nang habulin ng sangkalan ni Cañeres ang mister at pinagbantaan pang papatayin.
The post Swiss national, nilamog ng misis na Pinay appeared first on Remate.