INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat kaugnay sa pagkakaaresto sa 20 Pilipino sa Madrid, Spain dahil sa pagkakasangkot sa drug trafficking.
Sinabi ni Foreign Affairs Spokesperson Charles Jose na nakikipag-ugnayan na ang embahada sa mga awtoridad sa Madrid para mabatid ang pagkakakilanlan ng mga naarestong Pinoy.
Isa pa sa inaalam ang immigration o labor status ng mga ito sa Spain.
Kamakailan nang magsagawa ng drug raid sa Madrid ang awtoridad, kung saan mahigit 40 ang arestado at aabot sa walong kilo ng shabu ang nasamsam sa mga suspek.
The post 20 Pinoy na inaresto sa Spain iniimbestigahan na appeared first on Remate.