UMAABOT sa mahigit 100 armas ang nasamsam ng mga awtoridad sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) ilang araw matapos ang mga insidente ng karahasan na ikinamatay ng dalawang bilanggo at ikinasugat ng iba pa.
Ayon kay NBP Supt. Fajardo Lansangan, batay na rin sa kanilang imbestigasyon, karamihan sa mga narekober ay mga patalim.
Dahil dito, tiniyak ni Lansangan ang mas mahigpit na hakbang sa pagpapapasok ng sinoman sa piitan.
Aalamin na rin kung paano nakapapasok ang patalim o armas sa loob pa mismo ng bilangguan.
Samantala, kahapon ng umaga ay nilagdaan ng mga gang leader ang kasunduan para sa kaayusan ng national penitentiary.
The post 100 armas, nasamsam sa NBP appeared first on Remate.