PATAY ang isang magsasaka habang sugatan ang isa pa matapos silang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Tayug, Pangasinan.
Kinilala ang namatay na biktima na si Arnold Nalos, 37, habang ang sugatan naman ay si Armando Norso, pawang ng Barangay Karayakan, San Quintin.
Sa imbestigasyon, naglalakad ang mga biktima sa kahabaan ng Barangay Tanchera sa Tayug nang barilin ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo.
Nadala pa sa pagamutan ang dalawa ngunit binawian din ng buhay si Nalos.
Iniimbestigahan na kung ano ang motibo sa pamamaril.
The post Magsasaka patay sa pamamaril sa Pangasinan appeared first on Remate.