ANIM na domestic flights ang kinansela ngayong araw dahil sa sama ng panahon dala ng low pressure area na umiiral sa Eastern Visayas.
Sa ulat ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) media affairs office at ng Department of Transportation and Communications (DoTC), kabilang sa mga nakanselang biyahe ang domestic flights: 5J-821 MNL-Virac, 5J-822 Virac-MNL.
Una rito, nakansela rin ang biyaheng: 5J-617 MNL-Tagbilaran, 5J-618 Tagbilaran-MNL, 2P-021 MNL-Masbate, at 2P-022 Masbate-MNL.
Napag-alaman na sa ulat ng Pagasa, patuloy pa ring nakataas ang babala ng ahensiya sa posibleng pagbaha at landslides dulot ng mga pag-ulang dala ng low pressure area na umiiral sa Eastern Visayas.
Huling namataan ang sentro ng weather system sa Southern Leyte, kung saan patuloy itong magdadala ng “moderate to occasionally heavy rain” sa mga apektadong lugar.
The post 6 domestic flights, kanselado dahil sa LPA appeared first on Remate.