NAUWI sa kamatayan ng isang drayber ang karerahan ng sasakyan nang pagbabarilin ng kanyang nakaalitan kaninang madaling-araw sa Roxas Boulevard, Pasay City.
Tadtad ng punglo ang biktima na kinilala sa pamamagitan ng kanyang driver’s license na si Dewy Ontog, 30, ng Blk.11, Lot 23, Upper Bicutan, Taguig City.
Sa imbestigasyon, ang insidente ay naganap alas-3:35, Linggo ng madaling-araw sa Macapagal Ave, Roxas Boulevard sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na ang biktima ay sakay ng kanyang asul na motorsiklo na may plakang 2656-HZ at nakikipag-unahan sa isang motorsiklo lulan naman ang isang ‘di kilalang gunman.
Nang nagkadikit ang kanilang motorsiklo, bumunot ang di kilalang suspek ng caliber 40mm at pinutukan ang biktima na agarang ikinamatay nito.
Nakuha sa crime scene ang 19 na pirasong fired cartridge na ipinutok sa biktima.
Ang insidente ay patuloy na iniimbestigahan ng Criminal Investigation Division (CID).
The post Kelot tigok sa karera ng motorsiklo appeared first on Remate.