HALOS 20 pasahero ang sugatan matapos tumagilid ang isang pampasaherong bus sa South Luzon Expressway (SLEx) sakop ng Sta. Rosa Laguna, Lunes ng umaga.
Ayon sa mga awtoridad ng Lipa Batangas, natanggal ang gulong sa likuran ng Southern Carrier Bus na nagdulot ng pagtagilid ng sasakyan.
Dahil sa aksidente, isang lane lamang ng Southbound ang nadaanan mula pasado alas-6:00 hanggang nahatak ang bus alas-7:15 ng umaga.
Sinabi ni Edgad Lagrimas, isa sa mga pasahero, na noong una’y normal naman ang takbo ng bus mula sa Lipa nang bigla na lamang aniyang matanggal ang gulong nito sa likuran.
Dahil aniya sa pagtagilid ng sinasakyang bus, naputol ang kamay ng hindi pa nakilalang babaeng pasahero at tumakas ang driver ng bus.
Hanggang alas-7:30 ng umaga, hindi pa naitatakbo sa ospital ang ilan sa mga sugatan dahil sa kawalan ng ambulansya.
The post Bus tumagilid sa SLEX, 20 sugatan appeared first on Remate.