KINASUHAN na ng pulisya kaninang umaga, Marso 24, ang dating aktor na si Royette Padilla hinggil sa pananakot at pagpapaputok ng kanyang baril sa Clark Freeport Zone nitong Sabado ng gabi.
Sinabi ni City Prosecutor Mark Oliver Sison, may nakita siyang probable cause kaya ipinakulong at sinampahan niya ng kasong grave threat and violation of Republic Act No. 7610, o ang Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act laban kay Padilla.
Sa sworn statements ng complainants na sina Efren David, 64, at Evelyn Bernardo, 34, ang dalawa nilang anak at ang kanilang kasambahay ay nasa kanilang bahay sa Pasak St., sa Redwood Villas nang magpaputok ng dalawang beses ang dating aktor.
Tumama ng dalawa ang bala na ipinutok ni Padilla sa kanilang screen door ng bahay.
Sinabi ni Bernardo na naghahanda siya ng pagkain sa kusina kasama ang kanilang anak na babae na edad 11 at 8, alas-5:40 p.m. nang kausapin siya ni Padilla, na nasa kabilang bakod.
“Para po siyang lasing. Hindi namin siya pinansin dahil takot kaming kausapin siya,” pahayag ni Bernardo.
Marahil nainsulto, nagalit si Padilla at sinabihan si Bernardo na isisilid siya sa sako nito.
“We heard a gunshot and then we saw him enter our garage. He was trying to enter our house through the screen door and was shouting, ‘Go out! Face me!’ He fired his gun again, with the bullet piercing the screen door,” dagdag pa ni Bernardo.
Hindi naman natagpuan ng awtoridad ang baril na ipinutok ni Padilla pero may nakitang basyo ng bala ng isang 9mm. pistol sa bahay ni Bernardo. May isa pang dispormadong bala sa loob din ng bahay.
Pinabulaan naman ni Padilla ang akusasyong ibinabato sa kanya.
The post Royette Padilla, kulong sa pagpapaputok ng baril appeared first on Remate.