Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

May topak dumayb sa MRT, kamay nabali

$
0
0

BALI ang kanang kamay ng isang babaeng may diperensya sa pag-iisip nang tumalon mula sa hagdanan ng Metro Rail Transit (MRT) Kamuning station sa Quezon City kaninang umaga, Marso 24.

Ang biktima na nakilalang si Delia Cristobal, 26, ng San Francisco del Monte, QC. ay bumagsak sa outer lane ng Efipanio delos Santos Avenue (EDSA). Itinukod ni Delia sa pagbagsak ang kanyang kanang kamay kaya nabalian.

Sa ulat, naganap ang insidente pasado alas-9 ng umaga sa MRT-GMA station sa EDSA.

Ayon sa mga nakasaksi, bago ang insidente ay nakita nila ang biktima na panhik-panaog na parang nagmamadali at tila problemado.

Nang wala na anilang umaakyat o bumababa sa hagdanan, bigla itong tumalon at nahulog sa outer lane ng EDSA.

Isinugod ito ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa East Avenue Medical Center (EAMC).

The post May topak dumayb sa MRT, kamay nabali appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>