AWAY sa negosyo ang sinisilip na motibo ng pulisya sa pagpatay sa isang nangongolekta ng kaning-baboy matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan sa Quezon City kaninang umaga (Pebrero 9).
Dead on the spot sahi ng dalawang tama ng bala ng kalibre 45 sa katawan ang biktimang si Bobby Hareto, 55-anyos, residente ng Dula St., Barangay Payatas, Q.C.
Blangko pa ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit ng (QCPD) kung sino ang mga salarin at kung ano ang motibo sa pagpatay sa biktima.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas 8:40 ng umaga habang ang biktima ay nangongolekta sa mga bahay-bahay ng kaning-baboy na ipakakain sa kanyang mga alagang baboy.
Ayon sa kapatid ng biktima na si Jun, wala siyang maisip na motibo kung bakit pinatay ang kanyang kapatid dahil wala itong kaaway.
Maliban na lang aniya kung mayroon itong nakabanggang katunggali sa negosyo na hindi nito ipinaaalam sa kanila.
Sinusuri ng mga tauhan ng scene of the crime operation (SOCO) ang bangkay.