Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Suspek na lumaslas sa leeg ng dalaga, ‘di pinagpiyansa

$
0
0

WALANG piyansang ipinagkaloob ng korte sa isang suspek na pumatay sa pamagitan ng paglaslas sa leeg ng isang dalaga sa Malabon City ilang buwan na ang nakalilipas.

Magugunitang noong Setyembre 3, 2012, natagpuang wala ng buhay at halos humiwalay ang ulo sa leeg ng biktimang si Julie Ann Guttierez, dalaga, ng #25  Merville subdivision, Dampalit ng nasabing lungsod.

Apat na buwan makaraan ang pamamaslang ay nagpalabas ng warrant of arrest si National Capital Region Presiding Judge Zaldy B. Docena ng Malabon Branch 170, sa suspek na si Vic Maritine Flores Buemaventura, ng M. Sioson St. Dampalit, Malabon City.

Para sa agarang ikadarakip sa puganteng suspek, naglaan si Malabon City Congresswoman Jaye Lacson-Noel ng halagang P25,000.00 sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng salarin.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>