Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

7-anyos anak naboga ng naasar na tatay

$
0
0

NAHAHARAP sa kasong illegal possession of firearms ang isang ama matapos nabaril ang sariling anak sa Negros Occidental.

Sinabi ni S/Insp. Edfil Balibadlan, hepe ng Moises Padilla Police Station, naisampa na ang kaso laban kay Joselito Valenzuela, 44, ng Brgy. Inolingan, Moises Padilla.

Batay sa imbestigasyon, lasing ang suspek kung saan nagkasagutan sila ng ina nito at bayaw.

Dala ng kalasingan ay uminit ang kanilang pagtatalo na ikinagalit nang husto ng suspek na kumuha ng baril at nagpaputok.

Aksidente namang natamaan ang sarili niyang anak na si Jovelyn Valenzuela, 7.

Tama sa likod na tumagos sa kidney ang tinamo ng biktima na naka-confine ngayon sa Western Visayas Regional Hospital.

The post 7-anyos anak naboga ng naasar na tatay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>