ISANG lolo ang natagpuang hubad at wala ng buhay sa loob ng Zabala lodge sa Biateles St., General Santos City.
Kinilala ang biktima na si Roberto Namocatcat Armada, 67, isang tricycle driver sa Prk. Magsaysay, Brgy. Labangal.
Ayon kay P/Insp. Neri Ellutirio, deputy station commander ng Pendatun Police Station, nag-check-in sa nasabing lodge ang biktima kasama ang hindi pa nakikilalang babae kaninang umaga.
Bago magtanghali, nadiskubre ng mga empleyado ng lodging house ang bangkay ng biktima na naka-brief na lamang.
Subalit bago ang insidente ay nag-iisang lumabas ang babae mula sa inupahan na silid ng biktima.
Pinaniniwalaan na maaaring inatake sa puso ang biktima matapos makipagtalik sa kasamang babae.
Sa kabila nito, patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.
The post Lolo tumirik habang nakikipag-sex appeared first on Remate.