Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

175 Taiwanese tiklo sa pamemeke ng credit cards

$
0
0

NAARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 175 Taiwanese dahil sa pamemeke ng credit cards sa Pampanga.

Nagsagawa ng pagsalakay nitong nakaraang Miyerkules ng gabi, ang NBI sa limang bahay sa isang subdivision sa Angeles City.

Ayon sa NBI, parang call center ang operasyon ng mga dayuhan na nagtatawag para mag-alok ng credit card at manghihingi ng deposito.

Narekober ng awtoridad ang script ng mga Taiwanese, mga telepono, laptop at iba pang gamit sa ilegal na operasyon.

Dumating naman ang kawani ng Taiwanese Embassy para beripikahin ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Hinala ng NBI, mga turista rin ang nabiktima ng mga naarestong suspek na nahikayat sa inaalok na credit card.

Inaalam pa ng awtoridad kung paanong nakapasok sa bansa at nakapag-operate sa mga high-end subdivision ang mga Taiwanese.

Mananatili muna sa NBI Regional Office ang 175 dayuhan na nahaharap sa paglabag sa Republic Act 8484 o Access Devices Regulation Act.

Maaari naman silang magpyansa pero pagtiyak ng NBI, hindi makalalabas ng bansa ang mga ito.

The post 175 Taiwanese tiklo sa pamemeke ng credit cards appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>