DAHIL sa gay discrimination, dalawang security guard ang sinampahan ng kasong kriminal dahil sa pagpigil sa isang transgender na gumamit ng banyo ng mga babae.
Isinampa sa Quezon City Prosecutor’s Office (QCPO) ng biktimang si John Gerald a.k.a. Mara dela Riva, ang kasong paglabag sa City Ordinance SP1309, S-2003 prohibiting discrimination againts homosexuals in the work place laban kina May Pacheco at sa supervisor nitong si Mineleus Llegunas, kapwa guwardiya sa isang call center sa Fairview, Q.C.
Ayon sa 22-anyos na biktima, ang pagpapahiya sa kanya nina Pacheco at Llegunas ay nagpababa ng moral sa kanyang kasarian.
Sinabi ni Clara Rita Padilla, abogado ni Dela Riva, ihihingi ng kanyang kliyente ang hustisya sa pamamagitan ng isang Quezon City ordinance, na kauna-unahan sa Pilipinas na nagbibigay ng proteksyon sa mga lesbian, gay, bisexual at transgender people.
Ipinamukha rin ni Dela Riva na ang ginawa ng dalawang guwardya ay nakaapekto sa kanyang kalusugan sa puntong nagbawas siya sa pag-inom ng tubig na nakaaapekto sa kanyang job performance.
The post 2 sekyu inireklamo ng gay discrimination appeared first on Remate.