BINULABOG at nag-ingay ang may 500 tagasuporta ng Reproductive Health (RH) Law ang punong-tanggapan ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) sa Intramuros, Maynila.
Ayon kay Bicbic Chua, pinuno ng grupo, nais nilang iparating sa pamunuan ng CBCP ang malayang pagpili sa pagtataguyod ng matatag at masiglang pamilya.
Bilang bahagi ng kanilang panawagan, naglatag ang grupo ng sandamakmak na puting rosas sa tapat ng gate ng CBCP na, nakasuot ng kulay lila na damit ang mga raliyista.
Simbulo ito ng mga babaeng patuloy na apektado sa patuloy na pagtutol ng simbahang Katoliko sa pagpapatupad ng RH law.
The post Pro-RH nag-ingay sa tanggapan ng CBCP appeared first on Remate.