SUGATAN ang isang sekyu matapos tamaan ng bala nang pumutok ang nililinis na baril ng kasamahan sa loob ng guard house sa Valenzuela City, Sabado ng umaga, Marso 29.
Ginamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa kanang palad si Dennis Bilgera, 26 at stay-in sa Sto. Rosario St., Mapulang Lupa ng lungsod.
Hindi na dinakip ng mga pulis Michael Dela Cruz, 25 ng Mendez St., Baesa, Quezon City dahil hindi na nagsampa ng kaso ang biktima.
Sa ulat, alas-6:36 ng umaga, bago magpalitan sa puwesto, nililinis ni Dela Cruz ang kanyang service firearm na kalibre .38 sa loob ng guard house nang binabantayang Sublime Holding, Incorporated sa nasabing lugar nang aksidenteng pumutok at tinamaan si Bilgera.
Hindi na nagsampa ng reklamo si Bisgera dahil naniniwala siyang aksidente lang ang nangyari.
The post Nililinis na baril pumutok, sekyu sugatan appeared first on Remate.