SUMIKLAB ang engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at may sampung miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Albay nitong Biyernes ng tanghali.
Sinabi ni Lt. Col. Andrew Costelo, commanding officer ng 2nd Infantry Batallion ng Philippine Army (PA), walang nasugatan sa kanilang hanay.
Dahil naman sa mga bakas ng dugo sa lupa, naniniwala si Costelo na may tinamaan ang kanyang mga tauhan na ilang bilang ng mga rebelde na tumakas patungong Barangay Balanag at Barangay Tiongson.
Ikinasa pa rin ng awtoridad ang pagtugis sa mga rebeldeng nakasagupa ng kanilang mga sundalo na naganap dakong 12 ng tanghali sa bahagi ng Sitio Gocon, Baranga. Tupaz , lungsod ng Ligao.
Ayon kay Costelo, bago ang bakbakan ay nagsagawa sila sa lugar ng combat patrol dahil sa nakuhang impormasyon na may presensya ng mga rebelde sa lugar.
Hindi naman nagtagal, nakrus ang landas ng mga tauhan ni Costelo ay may sampung NPA na humantong sa 10 minuotng bakbakan.
Samantala, na-recover rin sa nangyaring engkwentro ang isang landmine na mula naman sa grupo ng NPA.