Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Ginang binoga, tigok

$
0
0

HINIHINALANG may kaugnayan sa bawal na shabu ang pagpaslang sa isang 50 anyos na ginang, matapos itong malapitang barilin sa dibdib sa Port Area, Manila kagabi.

Kinilala ang biktimang si Roxanne Montano Y Fernandez, tubong Davao City at naninirahan sa Gawad Kalinga, Baseco Compound, Port Area.

Samantala, tikom pa rin ang mga residente na ituro ang gunman na sinasabing taga roon lamang at kapitbahay ng biktima, kaya bigo pa ang pagkakakilanlan sa suspek dahil karamihan sa mga kapitbahay ay takot na tumestigo sa krimen.

Base sa ulat na isinumiti ni Det. Ramir Dimagiba kay P/Sr.Insp. Ismael dela Cruz, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 7:00 ng gabi, nang malapitang barilin sa dibdib ang ginang sa kalye ng Gawad Kalinga sa Baseco Compound.

Nabatid sa report ng pulisya, papauwi umano ng bahay ang ginang nang masalubong nito ang suspek na armado ng baril, saka malapitang binaril sa dibdib at parang walang anumang naglakad lamang papalayo ang suspek sa pinagyarihan ng krimen.

Hinalang may kinalaman sa droga ang pagpatay sa ginang kaya ito pinatahimik ng suspek. Isang hindi nakilalang tricycle driver ang nagsugod sa Gat.Andres Bonifacio Medical Center, subalit hindi na ito umabot ng buhay.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>