Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kelot, patay sa tarak ng kargador

$
0
0

PATAY ang isang 23-anyos na helper nang saksakin ng ‘di nakilalang suspek kagabi sa Sampaloc, Maynila.

Dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Joel Reyes, alyas Kulot, binata at nakatira sa 1709 Dapitan St., Sampaloc, Maynila.

Sa report ni SPO1 Charles John Duran, alas-11:50 kagabi nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima.

Nauna rito, nagdidiskarga umano ng idiniliver na semento ang isang nakilala lamang sa pangalang Delos Santos sa Mt. Fuji Hardware nang tamaan ang biktima na bahagya nitong ikinasugat.

Nagalit umano ang biktima hanggang sa nagkaroon ng mainitang pagtatalo.

Isang Rubister Claor naman ang umawat sa dalawa at sinabihan ang biktima na pumasok na lamang sa kanilang bahay ngunit muli itong lumabas dala ang bote ng red horse.

Noon din, may hawak na ring patalim ang suspek at biglang tumalon sa truck sabay saksak sa biktima.

Dahil dito, agad isinugod sa ospital ang biktima ngunit ‘di na umabot ng buhay habang nakatakas sakay ng truck ang suspek.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang inaalam ang buong pagkakilanlan ng suspek.

The post Kelot, patay sa tarak ng kargador appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


EASY COME, EASY GO


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Love Quotes Tagalog


Papa Jack Tagalog Love Quotes and Advice for you


5 Tagalog Relationship Rules


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.