TUMALON sa Metro Rail Transit (MRT) station sa Quezon City ang isang lalaking hinihinalang may diperensya sa pag-iisip nitong Lunes ng gabi, Marso 31.
Nasa kritikal na kondisyon sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Jefferson Beati, 28-anyos, residente ng Valenzuela City, Metro Manila.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-8:00 nitong Lunes ng gabi sa MRT-Cubao station, Q.C.
Bago ito, nagkagulo ang mga tao nang makita ang biktimang nasa taas ng MRT station at tila magpapakamatay.
Maya-maya lang, bigla na lamang itong tumalon at masuwerteng bumagsak sa bubungan ng isang loading bay ng MRT.
Nawalan ito ng ulirat at nakitang may umaagos na dugo sa ilong nito.
The post Kelot tumalon sa MRT, kritikal appeared first on Remate.