WALANG saplot pang-ibaba, may dugo sa bibig at may mga sugat sa leeg, mukha at braso na indikasyon na nanlaban ang 12-anyos na paslit na hinihinalang ginahasa rin ng kanilang kapitbahay sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Josephine Dealagdon, ng Building 30, Unit 29, Aroma, Temporary Housing, Tondo, Maynila.
Sa report, nakitang wala nang buhay ang biktima alas-3:00 kahapon sa loob ng inuupahang unit ng suspek.
Huling nakitang buhay ang biktima noong Marso 30, alas-7:00 ng gabi nang utusan ng kanyang nanay na bumili ng tubig sa tindahan subalit mula noon ay hindi na nakauwi pa.
Isang Jerie Mae na kaibigan ng biktima naman ang nakadiskubre sa katawan ng biktima sa loob ng bahay ng suspek kung saan may mga sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan, at wala nang saplot pang-ibaba bukod pa sa may lumabas na dugo sa bibig nito, indikasyon na pinahirapan habang ginagahasa.
Nakabalot din ng kurtina ang biktima at nakatago sa ilalim ng kama na gawa sa kahoy.
Nadakip na ang tinuturong suspek sa krimen na si Evert Espanillo, alyas Berto, 29, truck helper ng Sta. Monica Trucking at nakatira sa Unit 12 ng nasabing lugar.
The post 12-anyos ginahasa saka pinatay sa Tondo appeared first on Remate.