NAGSASAGAWA na ng imbestigasyon ang mga awtoridad kaugnay sa pagkamatay ng isang British national na binaril sa Barangay Cabangahan, Malaybalay City, Bukidnon.
Sa kabila nito, sinisilip ng awtoridad na personal grudge ang motibo sa pagpaslang sa biktima na si Keith Issitt, 62.
Sa imbestigasyon, isang hindi pa nakikilalang suspek ang bumaril sa biktima habang nakikipag-inuman sa panday na nag-ayos sa kanyang barung-barong.
Tinamaan ng bala sa likod ng kanyang ulo ang biktima na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.
Nakuha sa crime scene ang mga basyo ng bala ng kalibre .45 na posibleng ginamit ng suspek sa pamamaril sa Briton.
Ibinunyag din ni Asiong na nitong nakaraang linggo ay nagpa-blotter pa ang dayuhan dahil laging binabato ang kanyang bahay ng hindi pa nakilalang mga suspek.
Kasabay nito, inireklamo rin ng biktima ang kanilang hindi pagkakaunawaan sa mga kapatid ng kanyang namayapang asawa.
Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa naganap na krimen.
The post Briton todas sa Bukidnon appeared first on Remate.