NA-HEAT stroke ang isang Chinese tourist habang namamasyal sa frontbeach sa Barangay Balabag sa Boracay kaninang umaga, Abril 2.
Naisugod pa sa klinika ang biktima na si Yang Lin, 57, taga-China, pansamantalang nanunuluyan sa isang hotel sa isla pero namatay din agad.
Sa ulat ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), namamasyal ang biktima sa tabing dagat sa tapat ng kanyang tinutuluyang hotel nang biglang nahimatay.
Dahil dito, muling nagpaalala ang awtoridad na kapag nakaranas ng mga sintomas ng heat stroke tulad ng panghihina, pananakit ng ulo, pagpapawis at pagsusuka ay huwag nang sumabak sa init ng panahon at bagkus ay kumunsulta na lamang agad sa doktor.
The post Chinese tigbak sa heat stroke sa Boracay appeared first on Remate.