PATAY ang isang binata matapos magbigti sa loob ng selda ng Barangay Hall nang ireklamo ng pananakit sa anak ng ka-live-in nito sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling-araw, Abril 3.
Nakilala ang biktima na si Richard Navarete, 36, ng Phase 9, Gawad Kalinga, Bagong Silang, ng lungsod.
Sa ulat, alas-5 ng madaling-araw nang makita ng mga tanod ang biktima habang nakabigti ng t-shirt sa selda ng Barangay 176, Bagong Silang.
Inaalam na ng mga pulis kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.
The post Binata nagbigti sa loob ng selda appeared first on Remate.