HANDANG-HANDA na ang pamilya Arroyo para sa ika-67 pagdiriwang ng kaarawan ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo, sa Veteran’s Memorial Medical Center (VMMC), bukas sa Quezon City.
Ayon kay dating First Gentleman Mike Arroyo, gaya ng dati ay isang dosenang rosas ang kanyang regalo sa asawa.
Sapat na umanong makasama niya sa buong magdamag ang maybahay at kanilang mga anak na sina Mikey, Luli at Dato sa birthday ni Ginang Arroyo.
Una nang pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hiling ni Ginang Arroyo na payagan ang kanyang pamilya na manatili sa VMMC upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan mula alas-9:00 ng umaga ngayong araw hanggang 9:30 ng gabi sa linggo.
Sa pahayag naman ni Atty. Ferdinand Topacio, tagapagsalita ng pamilya Arroyo, bukod sa mga kaanak ng mambabatas, bibisita rin ang mga classmate nito mula Assumption College, mga dating cabinet member, kasamahan sa Senado at Kamara.
The post Pamilya Arroyo nakalarga na sa birthday ni GMA appeared first on Remate.