PATAY ang isang lalaki habang kritikal ang isa at pito ang sugatan sa naganap na karambola ng tatlong sasakyan sa Caloocan City, Huwebes ng gabi, Abril 3.
Dead on arrival sa Tala Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Rolando Manimtim, 40, ng La Forteza subd., Camarin ng lungsod, pasahero sa Toyota Tamarraw FX na minamaneho ni Roel Lagoros, habang ginagamot naman ang walo pang biktima na sakay ng tricycle na minamaneho ni Jay-Ar Unarce at mga pasahero ng jitney na minamaneho ni Lucio De Leon.
Sa ulat, alas-10 ng gabi, magkasunod na binabaybay nina Jay-Ar Unarce at Roel Lagoros ang Camarin Road, Camarin ng lungsod at sumayad sa gutter ang unahang gulong ng FX.
Dahil sa bilis ng takbo ng FX, umikot at bumangga ito sa kasalubong na jitney kung saan nahagip din ang tricycle at ang nakaparadang Toyota Revo, dahilan upang masaktan at dalhin ang mga lulan ng tatlong sasakyan sa TH.
Inilipat naman sa ibang ospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan si Roel Logoros na sinasabing may kasalanan sa nasabing insidente.
The post Karambola ng 3 sasakyan, 1 patay, 8 sugatan appeared first on Remate.