Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Preso lagas sa Calbayog City jailbreak

$
0
0

IMBES maibalik sa kulungan, sa punenarya bumagsak ang isang preso nang kumasa at mapatay ng mga tumutugis na pulis sa Calbayog City jailbreak nitong Huwebes ng gabi, Abril 3.

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at namatay noon din ang suspek na si Nelwin Juanerio, isa sa 16 presong nakapuga sa Calbayog City Jail (CCJ) nitong nakaraang Miyerkules, nahaharap sa kasong murder

Hindi naman lumaban at sumuko agad sa mga barangay tanod ang isa pang preso na si Roel Cuanico, may kasong robbery.

Sinabi ni Tacloban City Jail Senior Supt. Herman Grande, regional director ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), napatay si Juanerio sa isang barangay na may siyam kilometro ang layo sa CCJ.

Sa kasalukuyan, nakalatag pa rin ang hot-pursuit-operation laban sa 14 pang mga pugante na sina Dindo Calagos (rape), Romeo Coligado (rape), Edwin Abria (murder), Freddie Cagomoc (robbery), Malix Lucente (murder), Efren Pante (murder), Ian Pante (murder), Roberto Pintuan (violation of Sec. 5 RA9262 VAWC), Romeo Carpio (murder), Romeo Pinote (rape and attempted rape), Gerry Dealagdon (murder), Crisanto delos Reyes (frustrated murder), Joey Agas (highway robbery) at Dante Helilio (highway robbery).

Nilinaw naman agad ni Grande na bagama’t  maituturing na mga pusakal ang mga hindi pa nahuhuling preso ay wala pa naman silang ipinalalabas na shot-to-kill order o pagbibigay ng pabuya sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga inmates.

Nanawagan pa rin ang pulisya sa pamilya ng mga bilanggo na makipagtulungan na lamang sa kanila at kumbinsihing sumuko ang kanilang mahal sa buhay.

Pumuga sa CCJ noong nakaraang Miyerkules ang mga inmates habang nagsasagawa ng bible study sa loob ng nasabing pasilidad at tinangay ang ilang matataas na kalibre ng baril bilang kanilang panangga.

The post Preso lagas sa Calbayog City jailbreak appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Vimeo 11.6.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.8.1 by Vimeo.com, Inc.


Sapos para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Knock knock jokes


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Pokemon para colorear


FORTUITOUS EVENT


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Patama Quotes – Tanga love tagalog quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>