NASA 200 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Sta. Ana, Maynila kahapon.
Ayon sa inisyal na report ng Manila Fire Bureau, nagsimula ang sunog alas-5:37 ng hapon sa isang bahay sa Taal St., Punta, Sta. Ana, Maynila, Barangay 900.
Tumagal ang sunog ng halos apat na oras at umabot sa Task Force Alpha dahil sa biglang paglaki nito.
Idineklarang fire out ang sunog alas-8:36 ng gabi na nagmula sa isang bakery.
Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.
The post UPDATE: 200 pamilya homeless sa sunog sa Maynila appeared first on Remate.