Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Cagayan Valley apektado ng tail-end ng cold front

$
0
0

APEKTADO ng tail-end ng cold front ang Cagayan Valley bagama’t ‘di pa nakapapasok ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PAGASA weather forecaster Jun Galang, asahan ang pagbaba ng temperatura sa Cagayan Valley dahil na rin sa paglakas ng Northeast monsoon.

Makararanas doon ng kalat-kalat na mahinang pag-ulan at pulo-pulong pagkidlat-pagkulog.

Bagama’t walang gale warning na inilabas, nagpaalala si Galang na ang karagatan sa extreme Northern Luzon ay magiging moderate to rough kaya pinag-iingat ang maliliit na sasakyang pandagat.

Pulo-pulong pagkidlat-pagkulog naman ang aasahan sa nalalabing bahagi ng bansa, lalo na sa hapon o gabi.

Nasa labas pa rin ng PAR ang tropical depression na binabantayan ng PAGASA.

Bukas din sa mga posibilidad ang weather bureau ukol sa bagyo tulad ng pagtama sa Eastern Visayas o CARAGA region o mag-’recur’ ito.

Hindi rin inaalis ang posibilidad na magiging tropical storm ito dahil nasa karagatan pa rin ito.

The post Cagayan Valley apektado ng tail-end ng cold front appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>