Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Illegal drugs na ipinadala sa postal office, nasabat ng Customs

$
0
0

BINUBUNGKAL na ng pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga koneksyon ng sindikato sa Pilipinas kaugnay sa nasabat na droga sa Bureau of Customs (BoC)

Nabatid sa ulat na mahigit sa 500 tableta ng ecstasy ang nasabat ng  BoC na ipinadala sa Philippine Postal Corporation (Post Office).

Isang Pakistani national ang nagpadala ng droga na nagkakahalaga ng P.5 milyon  mula sa Netherlands na nabili sa pamamagitan ng online selling.

Ang  dayuhan ay naaresto noong March 23 sa isang buy-bust operation sa Taft Avenue, Maynila na pinaniniwalaang major supplier ng ecstasy sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Sa ngayon kinakapa na ng awtoridad ang kaugnayan ng dayuhan sa malaking sindikato sa bansa upang masawata ang paglaganap ng droga sa bansa.

The post Illegal drugs na ipinadala sa postal office, nasabat ng Customs appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129